2 aktibista, posibleng maharap sa kasong kriminal matapos bumaliktad sa sinumpaang salaysay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Posibleng maharap sa kasong kriminal ang dalawang aktibistang si Jonila Castro at Jhed Tamano dahil sa kanilang pahayag na taliwas sa kanilang sinumpaang salaysay.

Ayon sa militar, hindi tugma ang sworn statement na ibinigay ng dalawang aktibista sa harap ni Atty. Joefer Baggay ng Public Attorney’s Office (PAO) sa mga inihayag nila sa naganap na press briefing sa Bulacan, na umanoy dinukot sila ng tropa ng pamahalaan at pwersahang pinasuko.

Nanindigan naman ang 7th Infantry Division ng Philippine Army na boluntaryong sumuko ang dalawa sa 70th Infantry Batallion sa Bulacan noong September 12, matapos  ang ilang araw na pagkawala ng mga ito.

Ayon sa 7ID, mainit na tinanggap ng 70th IB ang pagsuko nina Castro at Tamano, na agad ipinabatid sa PNP, LGU, National Task Force to End the Communist Armed Conflict (NTF ELCAC), at sa kanilang mga magulang.

Sa ngayon nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno upang makamit ang justice, fairness, at transparency hinggil sa kaso.

Pinag-aaralan din ng militar ang posibleng pagsasampa ng kasong kriminal laban sa dalawang environmental activist.  | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us