2 missile frigate ng Phil. Navy, kinabitan ng bagong anti-torpedo defense system

Facebook
Twitter
LinkedIn

Matagumpay na naikabit ng French Naval Group sa BRP Jose Rizal (FF-150) at BRP Antonio Luna (FF-151) ang CONTRALTO® anti-torpedo reaction module na bahagi ng anti-torpedo defense system ng dalawang barko.

Ang pagsubok sa CONTRALTO® anti-torpedo reaction module ay isinagawa sa Subic-Agila Bay noong August 31, 2023 na sinaksihan ng mga opisyal ng Philippine Navy, Armed Forces of the Philippines (AFP), Department of National Defense (DND) at supplier ng Anti-Submarine Warfare (ASW) system.

Ang CONTRALTO® anti-torpedo reaction module ang pinakabagong kagamitan sa larangan ng Anti-Submarine Warfare defense na kasalukuyang ginagamit ng French Navy.

Awtomatiko nitong kino-compute ang pinaka-epektibong evasive maneuver ng barko at deployment ng counter measure kapag naka-detect ng torpedo.

Sa pagkabit ng naturang kagamitan ay kumpleto na ang armamento ng dalawang BRP Jose Rizal Class Frigate ng Phil. Navy.

Inaasahan naman sa susunod na taon ang delivery ng anti-torpedo countermeasures at pagsasanay ng mga crew ng Naval Group. | ulat ni Leo Sarne

📷: French Embassy

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us