Kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson Police Col. Jean Fajardo na dalawa pang pulis ang nagpositibo sa confirmatory drug test.
Ito ay matapos na magpositibo sa confirmatory drug test ang sinibak na Mandaluyong Chief of Police na si Col. Cesar Gerente.
Ayon kay Col. Fajardo, parehong non-commissioned Officer ang dalawang pulis.
Bilang bahagi ng “due process” ang naturang mga pulis ay bibigyan ng 15 araw para i-contest ang resulta ng drug test.
Matatandaang nagsagawa ng apat na magkakahiwalay na random drug test ang NCRPO kung saan nagpositibo ang tatlo.
Ang resulta ng random drug test ay sinalang sa confirmatory test sa Forensics Unit sa Camp Crame, kung saan muling nagpositibo ang mga ito. | ulat ni Leo Sarne