2024 General Appropriations Bill, certified as urgent na ng Pangulo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinertipikahan bilang urgent ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. ang House Bill 8980 o P5.768 Trillion 2024 General Appropriations Bill.

Sa kaniyang liham kay Speaker Martin Romualdez, binigyang diin nito na ang maagap na pagpapasa sa panukalang pambansang pondo para sa susunod na taon ay mahalaga upang maipagpatuloy ang mga programa at serbisyo ng gobyerno.

Dahil sa certified as urgent na ang 2024 GAB maaari itong maaprubahan sa second at third and final reading sa loob ng isang araw.

Target ng Kamara na pagtibayin sa ikatlong pagbasa ang panukalang pambansang pondo sa September 27.

Sa dalawang araw ng budget deliberation, 19 na ahensya, constitutional commission at tanggapan sa ilalim ng Office of the President ang natapos nang talakayin ang budget sa plenaryo.| ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us