22 biktima ng human trafficking, nailigtas ng mga awtoridad sa Zamboanga City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasagip ng mga awtoridad ang nasa 22 katao na posibleng biktima ng human trafficking sa isinagawang operasyon kamakailan sa isang pribadong pantalan sa Barangay Baliwasan, lungsod ng Zamboanga.

Batay sa ulat ng Naval Forces Western Mindanao, matagumpay na nailigtas nila kasama ang ibang law enforcement agencies at ang Women and Children Protection Center – Mindanao Field Unit (WCPC-MFU) Department of Social Welfare and Development IX (DSWD IX), City Social Welfare, Development Office- Zamboanga City (CSWDO-ZC), at Regional Inter-agency Committee on Anti-Trafficking 9 (RIACAT9) ang mga biktima kasama na ang tatlong menor de edad.

Sila ay dinala sa DSWD 9 Processing Center for Displaced Persons matapos ang karagdagang assessment, investigation, profiling, interviews, at evaluation na isinagawa ng Women and Children Protection Center – Mindanao Field Unit. | ulat ni Shirly Espino | RP1 Zamboanga

Photos: Naval Forces Western Mindanao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us