22 biktima ng human trafficking, nailigtas ng Philippine Navy sa Zamboanga

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nailigtas ng mga tauhan ng Naval Forces Western Mindanao (NFWM) ang 22 potensyal na biktima ng Trafficking in Persons sa Zamboanga.

Ang matagumpay na operasyon ay isinagawa sa tulong ng iba’t ibang law enforcement agencies sa Sgt. Taha Private Wharf, Brgy. Baliwasan, Zamboanga noong Biyernes.

Ang mga nailigtas na kinabibilangan ng tatlong menor de edad, ay isinailalim sa imbestigasyon at ebalwasyon sa Women and Children Protection Center – Mindanao Field Unit (WCPC-MFU).

Kasunod nito, ang mga ito ay tinurn-over sa DSWD-9 Processing Center for Displaced Persons.

Ayon sa NFWM, ang operasyon ay testatmento ng commitment ng Philippine Navy at mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan na labanan ang human trafficking na bumibiktima sa mga bulnerableng sektor ng lipunan. | ulat ni Leo Sarne

📸: NFWM

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us