Nanawagan ng pagkakaisa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ASEAN, upang magkaroon ng joint action kontra sa mapanganib na paggamit ng coast guard at maritime militia vessels sa South China Sea.
Ang panawagan ay ginawa ng Pangulo sa kanyang intervention sa 18th East Asia Summit, kung saan ay hinikayat ng Pangulo ang kanyang mga kasamahan sa ASEAN na magsama-sama upang itaguyod ang pare-parehong interes.
Hindi na aniya dapat pang pahintulutan na lumaki pa ang tension sa South China Sea, habang nagpahayag ito ng concern sa aniya’y consistent actions na may kinalaman sa paglabag sa international law, kabilang na sa1982 UNCLOS at Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea.
Ang mga binitiwang intervention na ito ay ginawa ng Pangulo sa harap nina Australian Prime Minister Anthony Albanese, Indian Prime Minister Narendra Modi, at Chinese Premier Li Qiang.
Sa ngalan aniya ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea, ay iwasan sana ang unilateral at assertive activities na magpapataas lang ng tension sa rehiyon, hindi pagkakaunawaan, at miscalculations sa South China Sea. | ulat ni Alvin Baltazar