Pangulong Marcos Jr., pinasalamatan ang Australia sa suporta sa Pilipinas hinggil sa isyu ng West Philippine Sea, education cooperation, defense at trade

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaabot ng kanyang pasasalamat si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Australia, bunsod ng aniya’y aktibo nitong engagement sa maritime-related issues and concerns na kinakaharap ng bansa gaya ng South China Sea.

Sa kanyang intervention sa ASEAN-Australia Summit sinabi ng Pangulo, na kanyang pinasasalamatan ang Australia dahil sa ipinaramdam nitong concern sa mga pinakahuling hindi magagandang insidenteng naranasan ng Pilipinas sa South China Sea.

Kaisa aniya ang bansa ng Australia sa panawagang kapayapaan, katatagan at pagrespeto sa 1982 Law of the Sea Convention o UNCLOS.

Matatandaang nagsilbi pang host ang Australia ng 12th ASEAN Maritime Forum at ng 10th Expanded Maritime Forum na ginawa nung nagdaang Disyembre, habang nakilahok din ang tropa ng militar ng Australia sa kamakailan lamang na ALON war games na ginawa sa Zambales.

Bukod sa suporta hinggil sa isyu ng seguridad ay ipinaabot din ng Pangulo ang kanyang pagpapasalamat sa suporta ng Australia sa bansa, na may kinalaman sa edukasyon, depensa, health at digital transformation. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us