Nagpulong ang Philippine Red Cross (PRC) at Royal Charity Organization (RCO) ng Bahrain upang paigtingin ang pagtutulungan sa pagbibigay ng tulong sa mga komunidad.
Ang RCO ay kilalang non-governmental organization na tumutulong sa pagbibigay ng humanitarian assistance, hindi lang sa Bahrain pati na rin sa mga mahihirap na komunidad sa buong mundo.
Bumista si RCO Secretary General Dr. Mustafa Al-Sayed kay PRC Chairperson at CEO Richard Gordon, at kabilang sa mga natalakay sa pulong ang ang iba’t ibang mga proyekto na isasagawa ng dalawang organisasyon sa hinaharap.
Ayon kay Gordon, aktibong katuwang ng PRC ang RCO sa mga proyekto nito gaya ng pagtatayo ng dalawang training centers sa Subic at Tacloban noong 2014, na nakatulong sa mga biktima ng Bagyong Yolanda.
Nagpasalamat naman si Gordon sa suporta ng RCO sa PRC.
Inimbitahan naman ni Al-Sayed si Gordon na bumisita sa Bahrain para sa iba pang mga oportunidad at kolaborasyon na maaaring gawin ng dalawang institusyon. | ulat ni Diane Lear