Nakatakdang isagawa ang ikalawang round ng payout ng cash assistance para sa micro rice retailers na apektado ng EO 39 sa susunod na linggo.
Ayon kay Raynel Ayungao, Sustainable Livelihood Program Regional Coordinator ng Department of Social Welfare and Development o DSWD XI, itinakda ang payout sa Sept. 28 t 29, araw ng Huwebes at Biyernes.
Aniya, patuloy pa silang tumatanggap ng lista ng mga pangalan ng mga rice retailers mula sa DTI na siyang nagsasagawa ng monitoring sa mga bigasan, at profiling at verification sa mga nagtitinda ng bigas.
Ayon kay Ayungao, inaasahan nilang mas marami kesa sa unang round ang bilang ng mga mabibigyan ng cash assistance sa 2nd round ng payout, dahil kasali na dito iyong mga nagbebenta ng bigas sa mga sari-sari store.
Kaugnay nito, inaasahang matatanggap ng DSWD ang kumpletong listahan ng mga benepisyaryo sa buong Davao Region, sa katapusan ng linggong ito upang agad na itong maproseso ng tanggapan. | ulat ni Maymay Benedicto | RP1 Davao