3 bayan mula sa Siargao Islands, Surigao del Norte naging pilot beneficiaries ng ‘Walang Gutom Food Stamp Program’

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang pamimigay ng Electronic Benefit Transfer o EBT Cards para sa ‘Walang Gutom 2027 Food Stamp Program’ Sa Dapa, Siargao Islands, Surigao Del Norte.

Ang Food Stamp Program ay isang interbensyon ng pamahalaan sa pamamagitan ng DSWD sa pakikipagtulungan ng UN World Food Program (WFP) na naglalayong mabawasan ang insidente ng pagkagutom ng mga pamilyang may mababang kita sa layon na sila ay maging produktibong mamamayan.

Ang bawat benepisyaryo ay makakatanggap ng P3,000 halaga na credited sa EBT card. Maaari silang makabili ng 50% o P1,500 ng carbohydrates gaya ng bigas at tinapay; 30% o P900 para sa protein tulad ng karne, isda, at itlog; habang 20% naman o P600 para sa gulay at prutas.

Ayon kay Pangulong Marcos Jr., ito ay panibagong uri ng tulong na hindi lang basta food supply kundi balanse, dekalidad at kumpletong nutrisyon lalo na para sa mga bata upang sila’y lumaking masigla, malusog at malakas.

Panawagan lang ng Pangulo sa mga benepisyaryo, gamiton ng wasto ang EBT Card para sa pamilya.

Ayon sa DSWD Caraga, nasa 600 katao ang mga benepisyaryo mula sa bayan ng Dapa, Sta. Monica at Del Carmen sa Siargao Islands. | ulat ni May Diez | RP Butuan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us