Umaabot sa 30 Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) sa bayan ng Calasiao, Pangasinan ang posibleng makinabang sa programa ng Department of Agrarian Reform (DAR) na Farm Business School (FBS) Project.
Layunin ng programa na makapag-alok ng training program sa mga magsasaka upang matulungan na sila ay maging matagumpay na mga entrepreneurs o business owners.
Ginawa ang programang FBS upang maturuan ang mga benepisyaryo na magkaroon ng kakayahan ang mga itong tumugon sa dumaraming pangangailangan ng potential market opportunities.
Ayon sa DAR Pangasinan, kinakailangang kumpletuhin ng mga lalahok na magsasaka ang kabuuang 25 training sessions na inihanda ng ahensya at isumite ang kinakailangan requirements upang sila ay makapagtapos.
Ang mga natukoy na benepisyaryo ng proyekto ay mula sa Aliguas Dumaralos na Buenlag, Inc mula sa nasabing bayan.
Sa datos ng ahensya, nasa 204 ARBs na ang nakapagtapos na sa mga isinagawang FBS Sites simula nang ito ay ipinatupad sa ilang lugar sa probinsya gaya ng Sta. Barbara, San Fabian, Urdaneta City, Asingan, Alcala at bayan ng Bautista.| ulat ni Verna Beltran| RP1 Dagupan