30-day break para sa mga guro, pinuri ng Rizal solon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinuri ni Rizal Rep. Fidel Nograles ang hakbang ng DEPED na bawasan ang workload ng mga guro.

Ayon kay Nograles napapanahon ito lalo at sinisimulan ang paggunita sa National Teachers’ month ngayong Setyembre.

“We thank Vice President and DepEd Secretary Sara Duterte and all other officials for this move. This is a timely intervention that will help ensure our teachers’ well-being,” saad ng mambabatas.

Kamakailan ay inanunsyo ni Vice President at DEPED Sec. Sara Duterte na bibigyan ng 30 araw na break o pahinga ang mga guro pagkatapos ng school year maliban pa sa pagbabawas ng kanilang administrative task mula 56 ay magiging 11 na lang.

“Natutuwa tayo na masigasig ang DepEd sa paghahanap ng paraan upang maibsan ang pasang responsibilidad ng ating mga guro. Mainam itong balita lalo pa’t ipinagdiriwang ang National Teachers’ Month ngayong buwan,” sabi pa ni Nograles.

Pinuri rin ng Labor and Employment committee chair ang nalalapit na paglulunsad ng website upang asistehan ang mga guro sa kanilang problema sa financial loan contract.

Tiwala din ang kongresista na magkakaroon pa ng iba pang mga hakbang ang kagawaran para isulong ang kapakanan ng ating mga guro.

“I am confident that the DepEd will continue to come up with measures to uphold the welfare of our educators. For our part, we in Congress vow to continue to craft policies to this end,” dagdag ng Rizal solon.| ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us