Inilabas na ng Department of Education (DepEd) ang listahan ng 35 mga paaralan sa buong bansa na sasalang sa pilot run ng MATATAG Curriculum.
Ito ang nirepasong K-to-10 program na inilunsad noong Agosto na naglalayong maibsan ang hirap na dinaranas ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral.
Ayon sa DepEd, tig-5 mga paaralan mula sa iba’t ibang DepEd schools ang sasalang mula sa pitong rehiyon sa bansa.
Kabilang na rito ang National Capital Region (NCR), Cordillera Admnistrative Region (CAR), gayundin ang mga rehiyon ng Ilocos, Cagayan Valley, Central Visayas, SOCCSKSARGEN at CARAGA.
Ayon kay DepEd Spokesperson, Undersecretary Michael Poa, aarangkada ang MATATAG Curriculum sa September 25 at ipatutupad ito by stages mula 2024 hanggang 2028. | ulat ni Jarmark Dagala