400 kilo ng mga bulok na bangus, nasabat sa Magsaysay Market sa Dagupan City, Pangasinan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasabat ng pinagsama-samang pwersa ng City Agriculture’s Office, City Treasurers Office Market, City Health Office ng Dagupan City at Task Force Anti Littering ang 10 kahon na naglalaman ng mga gataw o nabubulok na mga bangus sa Dagupan City Pangasinan.

Nahuli ang mga gataw na bangus sa Magsaysay Fish Market kahapon, ika-9 ng Setyembre 2023.

Naglalaman ang mga kahon ng tig-40 kilo o mayroong kabuoang bilang na 400 kilo ng mga bulok na bangus.

Agad namang naireport ng Dagupan City Police Station ang nahuling daan-daang kilong mga bangus at naitapon ng mga kawani ng Waste Management Division ng lungsod.

Nagpaalala naman ang alkalde ng lungsod na mayroong regular na isinasagawang ‘Operasyon Sita’ sa mga palengke upang matiyak ang kalidad at kaligtasan ng mga mamimili at konsyumer. | ulat ni Ricky Casipit | RP1 Dagupan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us