4,000 plantilla positions ng mga nurse, ‘di mapunan dahil walang aplikante – Health Sec. Herbosa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hiniritan ni Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Representative France Castro ang Department of Health (DOH), na ibigay na lang sa may higit 13,000 contractual nurses ang nasa 4,000 bakanteng plantilla position sa government hospitals.

Ayon kay Castro, 4,000 ang plantilla positions para sa mga nurse sa pampublikong ospital ang hindi pa rin napupunan.

Gayong mayroon naman aniyang 13,975 na contractual nurse na maaaring kunin, at ilagay na ng ahensya sa plantilla position.

Aminado si Health Sec. Ted Herbosa na may malaking kakulangan sa nurse ang bansa, katunayan nasa 127,000 aniya ang nurse gap natin.

Ngunit para punan ang bakanteng posisyon ay kailangan aniya nila ng authorization mula sa Department of Budget and Management (DBM).

Paliwanag nito, kung ang plantilla position ay bagong bukas ay maaari nila ito agad punan.

Ngunit kung ang bakanteng posisyon ay nabakante dahil sa umalis ang naturang nurse, ay ito ang kailangan ng authorization mula sa DBM.

Isa pa aniya sa nagiging problema ay walang nurse na nag-a-apply sa naturang mga posisyon.

Bunsod aniya ito nang mas mabigat na work load kung ikukumpara sa pribadong mga ospital

Hindi naman naniniwala si Castro na walang nurse na gustong mag-apply sa plantilla position.

Dahil dito, hiningi ng mambabatas ang listahan ng mga ospital na may plantilla position ngunit walang nag-a-apply. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us