Pinalaya ng mga empleyado ng Department of Environment and Natural Resources Regional Field Office-9 (DENR-9) ang limang mga agila sa kanilang “natural habitat” o natural na tahanan sa Barangay Palomoc sa bayan ng Titay sa lalawigan ng Zamboanga Sibugay.
Ito’y kinabibilangan ng tatlong Philippine Serpent Eagle at dalawang Brahminy Kite Eagle.
Ang naturang mga ibon ay nasagip ng DENR mula sa mga lalawigan ng Zamboanga del Sur at Zamboanga Sibugay kamakailan lamang.
Ang aktibidad ay pinangunahan mismo nina Diomides Pablo, PENR officer ng Zamboanga del Sur at Edgardo Montojo, PENR officer ng Zamboanga Sibugay, kasama ang kanilang mga tauhan.
Umapela ang DENR sa publiko na i-report kaagad sa pinakamalapit na PENRO kung mayroon silang makikitang mga hayop sa gubat na hinuli o inaalagaan – maging ito’y aksidental o intensyonal.
Dagdag ng DENR na tayo’y bahagi ng kalikasan, at dapat nating sagipin at pangalagaan ang mga kahayupan at mga halaman sa ating kapaligiran. | ulat ni Lesty Cubol | RP Zamboanga
📸 DENR Regional Field Office-9