Isang panukalang batas ang inihain sa Kamara para bigyan ng dagdag na leave ang mga manggagawa para tugunan ang ‘family matters’ o mga usaping pang-pamilya.
Sa House Bill 8822 ni Isabela Representative Inno Dy, bibigyan ng limang araw na compassionate leave benefit ang mga empleyado ng gobyerno at pribadong sektor.
“HB No. 8822 recognizes Filipinos’ strong family ties. Through this proposed measure, we hope to help lessen the burden borne by employees who are already facing crises with their families. Our employees should not have to be punished for attending to crucial family matters by being docked their pay for the day,” sabi ni Dy.
Ang 5-day Compassionate Leave ay maaaring gamitin para tugunan ang mga mahahalagang pangangailangan ng pamilya gaya ng sakit at pagkasawi ng kapamilya o kamag-anak ng hanggang third degree of consanguinity or affinity.
Para maka-avail nito ay dapat nakapagtrabaho na ang empleyado ng hindi bababa sa anim na buwan.
“With this measure, we boost the morale of the employees, and improve job satisfaction, productivity, and overall wellness, which ultimately benefits our organizations,” dagdag ng kinatawan.
Ayon kay Dy sa paraang ito ay mabibigyang pagkakataon ang mga empleyado na asikasuhin ang kanilang pamilya nang hindi maisakripisyo ang kanilang trabaho at sahod. | ulat ni Kathleen Jean Forbes