700 residente ng Laoag ang nakinabang sa sa “Libreng Laboratoryo, Konsulta at Gamot para sa Lahat” Program ni First Lady Liza Araneta-Marcos

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa pitong daang residente sa lungsod ng Laoag ang benepisyaryo sa “Libreng Laboratoryo, Konsulta at Gamot para sa Lahat” (LAB) for all program na isinagawa sa Laoag City Multipurpose Center.

Ang nasabing programa ay inisyatibo ni First Lady Liza Araneta-  Marcos kasama ang Lucio Tan Group of Companies, Jaime Ongpin Foundation, at 1 Life Recorder.

Ayon kay Mayor Michael Marcos Keon, nagsisimula ang konsultasyon sa pagkuha ng sample ng dugo, pagkatapos ay pupunta na ang mga pasyente sa registration area.

Pagkatapos sa registration area, kukunan ng vital sign ang mga pasyente tulad ng blood pressure, pulse rate, timbang, temperatura at iba.

Depende sa makukuhang resulta ay mairerekomenda ang susunod na test sa mga pasyente tulad ng ECG, urinalysis at iba pa.

Mayroon ding X- ray at ultrasound.

Pagkatapos ng mga ito ay mayroong konsultasyon, at bibigyan rin ng gamot ang mga pasyente. |  ulat ni Jude Pitpitan | RP1 Laoag

📸LGU Laoag

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us