Nagpapatuloy ang pamamahagi ng cash assistance sa mga kwalipikadong micro rice retailer sa lalawigan ng La Union.
Umabot na sa 75 benepisyaryo mula sa tatlong component LGU ang nakatanggap ng tig-P15,000 ayuda o kabuuang P1,125,000, sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng DSWD, bilang tulong sa mga apektado ng pagpapatupad ng EO 39 na nagtatakda ng price ceiling sa presyo ng regular at well-milled rice.
Ayon kay DTI Region 1 Director Grace Falgui-Baluyan, sisikaping tapusin ng ahensya ang ginagawang profiling hanggang Setyembre 19 upang malaman kung alin pang rice retailer ang kwalipikadong tatanggap ng ayuda.
Pinayuhan naman ng DSWD ang mga naunang benepisyaryo na gamitin sa tama ang natanggap na tulong sa pamamagitan ng pagbili ng bagong suplay ng bigas upang maibenta ito ayon sa itinakda ng kautusan ng Pangulong Marcos Jr. | ulat ni Albert M. Caoile | RP Agoo