8 priority bills ng administrasyon, naaprubahan ng Senado sa unang bahagi ng 2nd regular session ng 19th Congress

Facebook
Twitter
LinkedIn

Walong priority measures ng administrasyon ang naipasa ng Senado sa unang bahagi ng second regular session ng 19th Congress.

Ito ang ibinida ni Senate President Juan Miguel Zubiri bago magsara ang kanilang sesyon kagabi.

Kabilang sa mga priority bills at nationals bills na naipasa ng Mataas na Kapulungan sa nakalipas na 28 session days nila mula Hulyo ay ang:

  • Internet Transactions Bill
  • LGU Income Classification Bill
  • Trabaho Para sa Bayan Bill, na naisabatas na
  • New Philippine passport bill
  • Salt Industry Revitalization Bill
  • Panukalang pagpapalawak ng benepisyo ng mga Pinoy centenarian
  • Mental Health Bill at
  • Caregivers Bill

Sa huling araw ng sesyon kagabi ay naaprubahan na rin ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang Magna Carta of Seafarers Bill na may urgent bill certification mula sa Malacañang.

Naratipikahan na rin ang dalawa sa mga priority measures na Ease of Paying Taxes Bill at Public-Private Partnership Bill.

Pinaalala ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na may umiiral silang Senate resolution na maaaring magsagawa ng mga pagdinig ang mga Senate committee habang naka-break ang Senado.

Magbabalik sesyon ang Mataas na Kapulungan sa November 6. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us