8,000 na mga puno, sabayang itinanim ng mga port personnel bilang regalo sa kaarawan ni Pangulong Marcos Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Imbes na mga materyales na bagay, sabay-sabay na nag tanim ng walong libong puno ang mga empleyado ng Philippine Ports Authority sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Ito ang regalo ng PPA kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na nagdiriwang ng kanyang kaarawan ngayon.

Ang tree planting ay bilang pakikiisa sa “LINGAP AT ALAGANG BAYANIHAN” o LAB at ipaglaban sa climate change.

Nagsimula kaninang alas-8 ng umaga ang sabayang pagtatanim ng mga puno sa paligid ng mga pantalan.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagtanim ng mga puno ang PPA dahil nagsagawa na rin sila noong mga nakaraang taon alinsunod sa Republic Act No. 9729 o ang “Climate Change Act of 2009”, naglabas ng Administrative Order No. 14-2020 kung saan ang PPA na nagmamandato sa mga aplikante at kontraktor na magtanim ng 1,000 na puno o mangrove sa pakikipagtulungan sa Community Environment and Natural Resources Offices ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Una nang nagbigay ng direktiba si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa mga ahensya ng gobyerno na magkaroon ng flood-control infrastructure projects matapos ang naging pananalasa ng bagyong Paeng sa pagsisimiula ng taong 2023. | ulat ni Michael Rogas

📷: PPA

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us