Adolescent Pregnancy Prevention Act, lusot na sa Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa 232 na mambabatas ang bumoto pabor sa pagpapatibay ng House Bill 8910, o ang panukalang Adolescent Pregnancy Prevention Act.

Sa ilalim nito, ay maglalatag ng isang Pambansang Polisiya upang maiwasan ang maagang pagbubuntis ng mga nagdadalaga at bigyang proteksyon ang mga batang ina.

Itatatag ang Adolescent Pregnancy Prevention Inter-Agency Council na maglalatag at magpapatupad ng mga patakaran at programa pangkalusugan na nakatuon sa usaping pamilya, sexual at reproductive at na madaling maunawaan ng mga nagdadalaga.

Bahagi rin nito ang pagbibigay access sa sexually active minors sa family planning methods gayundin ang pagtuturo ng reproductive health at sexuality education na angkop sa kanilang edad.

Aatasan naman ang Department of Education na bumuo ng pamantayan, module, at iba pang materyales para sa Comprehensive Adolescent Sexuality Education (CASE) katuwang ang iba pang ahensya ng gobyerno.

Titiyakin din dito ang social protection ng mga adolescent parents upang maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral at makapagtrabaho.

Malaki naman ang pasasalamat ni Albay Representative Edcel Lagman na pangunahing may-akda ng panukala.

Aniya, napapanahon ang naturang panukala lalo at ayon sa 2020 United Nations Population Fund (UNFPA) report, ang Pilipinas ang isa sa mga may pinakamataas na teenage pregnancy rate sa ASEAN kung saang 500 sa kada Filipino adolescent ang nabubuntis at nanganganak kada araw.

Dahil dito marami sa kanila ang hindi natatapos sa pag-aaral at may kakulangan sa kasanayan at nawawalan ng pagkakataon na makapaghanapbuhay. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us