Binilinan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang mga tauhan ng Philippine Navy na patuloy na ipaglaban ang “sovereign rights” at “territorial Integrity” ng bansa.
Ginawa ni Gen. Brawner ang pahayag sa kanyang pagbisita sa Philippine Navy Headquarters kahapon.
Layunin ng pagbisita ni Gen. Brawner sa punong himpilan ng Philippine Navy na siguruhin ang kapakanan ng bawat AFP personnel.
Pinaalalahan din ni Gen. Brawner ang Philippine Navy na gawing gabay ang prinsipyo ng UNITY o Unification, Normalization, Internal Security Operations, Territorial Defense, at Youth sa pagganap ng kanilang mandato.
Dagdag ni Gen. Brawner, maliban sa mandato ng Philippine Navy na ipaglaban ang teritoryo ng Pilipinas, tungkulin din nito na siguruhin ang tuloy-tuloy na pag-unlad ng bansa. | ulat ni Leo Sarne