Pinuri ni US Indo-Pacific Commander Admiral John Aquilino ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mabilis na progreso ng pagtatayo ng mga pasilidad sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites.
Ito’y matapos ilibot kahapon ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. ang Amerikanong Opisyal kasama si US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson sa mga EDCA site sa sa Lal-lo airbase at Camilo Osias Naval Station sa Cagayan at Basa Airbase sa Pampanga.
Sinabi ni Aquilino na maganda ang nagawang trabaho ng AFP sa koordinasyon ng US military team para mapahusay ang kapabilidad ng mga naturang pasilidad.
Sinabi naman ni Gen. Brawner na inaasahan niyang magiging operational na sa susunod na taon ang mga naturang proyekto na agad na magagamit sa sabayang pagsasanay at operasyon ng AFP at US military.
Kapwa bibigyang diin ng dalawang opisyal na ang mga EDCA site ay pag-aari ng Pilipinas, at ang anumang proyektong itatayo dito ay dadaan sa pagsusuri ng pamahalaan. | ulat ni Leo Sarne
📷: Sgt Ambay/PAOAFP