Albay solon, nakulangan sa tulong ng PCSO sa Mayon evacuees

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aminado si Albay 1st District Representative Edcel Lagman na hindi siya kuntento sa mga ibinibigay na tulong ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa mga residenteng apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Mayon.

Sa deliberasyon ng House Committee on Appropriations, sinabi ni Lagman na mag-aapat na buwan na ang “Mayon calamity” at libo-libo pa rin aniya ang mga evacuee sa Albay.

Ngunit batay aniya sa report ng kaniyang district office, walang relief items na natanggap ang kanilang lalawigan mula sa PCSO—-kumpara sa tulong na ipinagkakaloob ng PAGCOR.

Paglilinaw naman ni PCSO Assistant General Manager for Charity Sector Larry Cedro, ang assistance ay idinadaan sa kanilang servicing branch sa Lalawigan ng Albay.

Kabilang dito ang medical o hospitalization needs, at mayroon din aniyang relief goods.

Sa Albay aniya nakapagpadala na sila ng 1,500 food packs. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us