Ambuklao at Binga Dam, nagpapakawala pa rin ng tubig

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy ang pagpapakawala ng tubig ng Ambuklao at Binga Dam sa Benguet ngayong Lunes.

Sa inilabas na update ng PAGASA Hydrome­teorology Division, kaninang alas-sais ng umaga, nanatiling bukas ang tig-isang gate ng Ambuklao at Binga Dam.

Nabawasan naman na ng 0.40 meter ang pinapakawalang tubig sa Ambuklao Dam.

Sa ngayon, bahagya pang nadagdagan ang lebel ng tubig sa dam na nasa 751.75 meters ngayong umaga.

Samantala, nasa 0.30 meter na ang pinapakawalang tubig sa Binga Dam.

Nasa 574.69 ang lebel ng tubig sa dam, na malapit pa rin sa 575-meter na spilling level. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us