Ammonia leak sa isang ice plant sa Brgy. New Lower Bicutan sa Taguig City contained na ayon sa BFP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Contained na ang amonia leak sa Barangay New Lower Bicutan sa Taguig City matapos kumalat ang nakakasulasok na amoy sa isang ice plant.

Ayon kay Taguig Fire Sen Sr. Insp. Demetriou Sablan, Chief Operation ng Taguig City Fire Station na batay sa kanilang paunang imbestigasyon mula sa maintenance officer ng naturang ice plant, nangyari ang naturang leak habang nagsasagawa ng preventive maintenance inspection nang biglang may kumalas na hose mula sa amonia reservoir ng naturang ice plant.

Dagdag pa ni Sablan nagsasagawa pa sila ng clearing dahil may mga ammonia deposits pa sa loob ng planta. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us