Kinokonsidera ngayon na pagkalooban ng amnestiya ang lahat ng kalaban ng gobyerno.
Ito ang ibinunyag ni Presidential Adviser for Peace Reconciliation and Unity Secretary Carlito Galvez Jr. sa isang ambush interview kasunod ng isinagawang Armed Forces of the Philippines (AFP) Peace Forum sa Camp Aguinaldo kahapon.
Ayon kay Galvez pinag-aaralan ngayong ng kanilang mga legal experts ang posibleng amnesty offer sa rightist groups, Abu Sayyaf, at iba pang threat groups.
Posible aniyang magkaroon ng hiwalay na amnesty declaration para sa bawat grupo katulad ng amnestiya para sa mga dating mandirigma ng Moro National Liberation Front (MNLF) at Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Bahagi aniya ito ng pagnanais ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maging all-inclusive ang prosesong pangkapayapaan, upang buksan ang pinto ng pamahalaan sa lahat ng gustong magbalik-loob. | ulat ni Leo Sarne