Amyenda sa Anti Agricultural Smuggling Act, pasado na sa Komite

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pasado na sa House Committee on Agriculture and Food ang unnumbered substitute bill para sa amyenda sa Anti-Agricultural Smuggling Act.

Ayon kay Quezon Representative Mark Enverga na Chair ng komite, ang pinalakas na Anti-Agricultural Smuggling Law ay makatutulong upang maiwasang maulit ang isyu ng taas-presyo ng sibuyas, bigas at iba pang agricultural products.

Sa bagong panukala, ay ituturing nang economic sabotage ang smuggling, hoarding, cartelizing at profiteering ng agricultural products kasama ang isda at tabako.

Pabibigatin din ang ipapataw na parusa.

Ang mapatutunayang sangkot sa economic sabotage ay mahaharap sa life imprisonment.

Ang kasabawat o katulong ay mahaharap naman sa 30 to 40 years na pagkakakulong.

Maliban pa ito sa multa na anim na beses na mas mataas kaysa sa fair market value ng ipinuslit o itinagong produkto.

Ang mga trucker o warehouse owner o lessor na masasangkot ay papatawan naman ng 12 hanggang 20 taong pagkakakulong.

Pinagtatatag din ang Department of Justice ng special prosecution team na tututok lamang sa kaso patungkol sa economic sabotage.

Kung dati ay ang Bureau of Customs (BOC) lang din ang nakakapaghain ng kaso, ngayon, maging ang Department of Agriculture (DA), Department of Trade and Industry (DTI), at National Bureau of Investigation (NBI) ay maaari nang magsampa ng reklamo.

Obligado na rin ang mga trader na magparehistro sa DA at magsumite ng kanilang buwanang inventory.

Ayon kay Enverga, hihilingin nila sa House leadership na maihabol ang pagtalakay ng panukala bago ang nakatakdang session break ng Kongreso sa September 29, lalo at kasama ito sa 20 LEDAC priority measure. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us