Tuluyan nang inalis ng Kamara bilang miyembro nito si An Waray Party-list Rep. Florencio “Bem” Noel.
Kasunod ito ng pagkansela ng COMELEC sa ang registration ng An Waray Party-list dahil sa paglabag sa Party-list Law.
Mula ito sa pagpapahintulot ng An Waray na umupo ang kanilang second nominee bilang kinatawan sa kabila ng kawalan ng certificate of proclamation mula sa poll body, sampung taon na ang nakararaan.
Si House Deputy Majority Leader Janette Garin ang nagmosyon na alisin na sa roll of members ng 19th Congress si Noel matapos matanggap ang kopya ng resolusyon ng en banc patungkol sa isyu.
Bunsod nito, mula bilang na 311 ay 310 na lang ngayon ang miyembro ng Kamara. | ulat ni Kathleen Jean Forbes