Tinitignan ng Philippine National Police (PNP) ang anggulo na posibleng mga “disgruntled” na empleyado ang nasa likod ng mahinang pagsabog na naganap sa open parking area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 nitong Sabado.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo, “very remote” ang posibilidad na may kinalaman sa terorismo ang naturang insidente dahil “molotov cocktail” lang ang ginamit na pampasabog, at hindi pa sumabog kundi lumiyab lang.
Gayunman, hindi aniya nagpapaka-kampante ang PNP at nagtutulungan na ang National Capital Region Police Office (NCRPO), Aviation Security Group (Avsegroup) at NAIA Management sa imbestigasyon ng insidente.
Dahil aniya isang “vital installation” ang NAIA, kailangang masiguro na hindi na maulit ang insidente, kaya nagdadag na rin ng seguridad sa labas ng paliparan. | ulat ni Leo Sarne