Bukas ang House Appropriations Committee na magkaroon ng malinaw na polisiya hinggil sa paggamit at pag-uulat ng confidential at intelligence fund.
Ito ang tinuran ni House Appropriations Committee senior vice chair at Marikina Rep. Stella Quimbo sa interpelasyon ni Albay 1st District Rep. Edcel Lagman sa deliberasyon sa plenaryo ng House Bill 8980 o 2024 General Appropriations Bill.
Ani Quimbo panahon nang magkaroon ng malinaw na polisiya para sa CIF lalo at maraming lumabas na mga tanong ukol dito.
Kabilang ang kung sino ba ang entitled tumanggap ng CIF, sino at paano io-audit at paano ang gagawing reporting.
Para kay Lagman ang pagkakaroon ng polisiya ay para mas maging transparent ang paggamit ng naturang pondo.
Paaari din aniyang samanatalahin ang deliberasyon ng 2024 budget para maglagay ng probisyon kaugnay sa pagbibigay ng CIF fund habang kinokonsidera ang kasalukuyang joint memorandum circular 1 na isa lang aniyang administrative fiat.
Tinatayang nasa 10 billion ang CIF na nakapaloon sa 2024 budget bill.| ulat ni Kathleen Jean Forbes