Appropriations senior vice chair, walang nakikitang mali sa paglalabas ng contingent fund sa OVP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinatigan ni Marikina Rep. Stella Quimbo, Senior Vice Chair ng Appropriations Committee sa Kamara ang una nang pahayag ni Appropriations Chair Elizaldy Co at ang paliwanag ng Department of Budget and Management, na walang iregularidad sa paglalabas ng P221.42 million contingent fund sa Office of the Vice President noong 2022.

Aniya, kung pagbabasehan ang National Expenditure Program ay nakasaad bilang line item ang kanilang good governance at social services project na pinondohan ng naturang contingent fund.

Sa liham ni DBM Sec. Amenah Pangandaman sa Appropriations panel, sinabi nito na ang P125 million na ‘confidential fund’ na bahagi ng P200 million higit na inilabas na pondo ay galing sa P7 billion contingent fund ng Office of the President at ginamit bilang suporta sa good governance engagements and social services projects nito.

“Wala naman akong nakikitang so far na anything improper, at least based on the NEP (National Expenditure Program) and based on the statement issued by our appropriations [committee] chair [Ako Bicol Party-list Rep.] Zaldy Co…So pinaliwanag naman po na ito ay used of contingent fund at mayroon naman pong existing line item at ito yung good governance at social services project. It is also very evident doon sa NEP, kita naman po na very consistent naman siya doon sa chapter na contingent fund as well as doon sa chapter sa OVP budget.” paliwanag ni Quimbo.

Aminado naman si Quimbo na ang aktwal na paggamit sa naturang pondo ay hindi pa rin maipaliwanag at posibleng mas mausisa pa sa pag-uumpisa ng plenary deliberation ng 2024 budget ngayong araw.

September 26 naka-schedule sumalang sa plenaryo ang panukalang budget ng OVP. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us