Kasalukuyan pang nagsasagawa ang Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) ng detailed architectural at engineering study para malaman kung magkano ang kakailanganin para sa restorasyon ng Manila Central Post Office (MCPO) na nasunog nitong Mayo 2023.
Sa pagdinig ng panukalang pondo ng Philippine Postal Corporation (PhilPost) para sa susunod na taon, natanong ng mga senador kung magkano ang kakailanganin para sa restoration ng makasaysayang MCPO.
Ayon kay PhilPost acting postmaster and CEO luis carlos, ang structural test na ginagawa ng TIEZA ang siyang magtatakda kung magkano ang kakailanganin para sa phase 1 plan ng restoration ng Manila Central Post Office.
Sa ngayon ay nakakuha na rin aniya ang PhilPost ng P3-M insurance mula sa GSIS at gagamitin ito para sa pagsasaayos ng nasunog na gusali.
Mayroon nang inter-agency na siyang nangangasiwa sa restorasyon ng MCPO,
Ang inter-agency ay kinabibilangan ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP), National Commission for Culture and the Arts (NCCA), at Department of Tourism (DOT). | ulat ni Nimfa Mae Asuncion