Positibo si House Speaker Martin Romualdez na magandang pagkakataon para kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang 43rd ASEAN Summit, para mapalakas ang negosyo at pamumuhunan sa pagitan ng Pilipinas at ASEAN member countries.
Sa paraaan aniyang ito, ay muling maibibida ng presidente ang bentahe ng Pilipinas bilang trade at investment hub para makalikha ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino.
“The ASEAN summit provides an excellent venue for President Marcos to showcase the distinct advantages the Philippines has as a trade and investment hub so as to create more jobs and business opportunities for the Filipino people,” sabi ni Romualdez.
Tinukoy pa ng House leader, na tinatayang papalo sa 4.9% ang growth rate ng ASEAN region sa taong 2024 kung saan lalong lalakas ang intra-ASEAN trade, at pagpasok ng foreign direct investment—bagay na maiging samantalahin ng Pilipinas.
“The steady recovery of the region from the pandemic and its improving macro-economic fundamentals amid geo-political headwinds makes ASEAN a favored destination of foreign investments and the Philippines can capitalize on this trend for the benefit of our people,” dagdag ng House leader.
Maliban sa ASEAN member states ay magkakaroon din ng diyalogo ang mga kasaping bansa sa partner nations gaya ng United States, China, Canada, Japan, South Korea, at United Nations.
“These engagements are important venues for the President to also promote our national interest,” saad ng House Speaker. | ulat ni Kathleen Forbes