Bagong EO para sa moratorium ng pagbabayad utang ng mga magsasaka, napapanahon

Facebook
Twitter
LinkedIn

“Well timed” o napapanahon ani Camarines Sur Representative LRay Villafuerte ang paglagda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng Executive Order 4 at ang paglalabas ng Implementing Rules and Regulations ng New Agrarian Emancipation Act (NAEA) dahil sa kailangan ngayon ng bansa ang mataas na produksyon ng palay.

Ayon kay Villafuerte mas gaganahan ngayon ang mga magsasaka sa kanilang pagtatanim na magreresulta sa mas maraming ani na malaking tulong lalo at mataas ngayon ang presyo ng bigas at ng iba pang farm crop.

“[The law is] well-timed, given that it will lead to greater farm productivity at this period when weak harvests of palay and other farm crops have unduly jacked up the retail prices of these essential foodstuff, which, in turn, have caused headline inflation to rise anew in August following the government’s success in taming commodity price spikes over the January-July period,” ani Villafuerte.

Ipinapakita lamang aniya nito ang pagiging tapat ng Pangulo sa kanyang hangaring mapalaya ang mga agrarian reform beneficiary mula sa kanilang pagkakautang.

“The President has hit the gas on his landmark law that would truly liberate our ARBs from their CARP debts, thereby opening their access to rural credit and empowering them to make more productive a combined 1.17 million hectares (ha) of land that they have been tilling for decades,” dagdag ng mambabatas.

Sa ilalim ng EO 4 palalawigin ang moratorium sa pagbabayad ng utang ng mga ARB na hindi nakasama sa NAEA ng hanggang September 13, 2025.

Nasa 600,000 mahigit naman na magsasaka ang mabubura ang nasa ₱58-billion na pagkakautang dahil sa NAEA. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us