Nag-abiso ngayon ang Valenzuela Local Government sa mga motorista kaugnay ng ipatutupad na traffic closure sa bahagi ng T. Santiago Street Corner MacArthur Highway, sa Barangay Malanday/Dalandanan.
Batay sa inilabas nitong traffic advisory, sinabi ng pamahalaang lungsod na dalawang linggo munang isasara ang naturang kalsada para magbigay daan sa ilang konstruksyon.
Kabilang dito ang Department of Transportation (DOTr) North-South Commuter Railway segment installation at road and drainage upgrade na gagawin ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Iiral ang traffic closure simula ngayong araw, September 26 hanggang October 9, 2023.
Pinapayuhan ang mga motoristang sa ilang alternatibong ruta kabilang ang C. Santiago Street patungong F. San Diego Street hanggang T. Santiago Street at vice versa. | ulat ni Kathleen Jean Forbes