Barangay at Kalinisan Day, ilulunsad ng DILG sa Sep. 16

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinikayat ngayon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang higit 42,000 barangay sa bansa na makiisa sa nakatakdang national launching ng “Barangay at Kalinisan Day” (BarKaDa) sa Sabado, September 16, 2023.

Ito ay isang nationwide community-based clean-up drive program, na layong itaguyod ang isang malinis at ligtas na kapaligiran.

Kaugnay nito, naglabas na ng isang memorandum circular si DILG Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos Jr. na naghihikayat sa mga barangay na magpasa ng ordinansa o resolusyon kung saan ilalaan ang isang araw sa isang linggo bilang BarKaDa.

Dito, maaaring magsagawa ng iba’t ibang aktibidad ang mga barangay kabilang ang coastal clean-up, paglilinis ng baradong waterways, gayundin ang mga maaaring pamugaran ng mga lamok sa coastal areas, creeks, public parks, roads, at iba pang public spaces.

Samantala, sa darating na Sabado, magkakaroon ng Simultaneous BarKaDa kung saan sabay-sabay na lilinisin ang 29 na estero at creeks sa mga siyudad ng Maynila, Quezon City, Caloocan, Pasig, Las Piñas, Mandaluyong, San Juan, at Pasay.

“Halina’t makiisa, halina’t maki-BarKaDa sa Sabado, September 16. Magtulong-tulong tayong linisin ang ating mga pamayanan para sa mas maayos at ligtas na kapaligiran,” ani Abalos. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us