Barangay Chairman ng QC, muling sinampahan ng kaso sa Ombudsman

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling inireklamo sa Office of The Ombudsman si Barangay Chairman Alfredo Roxas ng Barangay Kaligayahan, Novaliches, Quezon City.

Kasong Grave Coercion na may kaugnayan sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang isinampa ng isang Aljean Abe na dating kawani ng barangay.

Nag-ugat ang kanyang reklamo ng makaranas siya ng panghaharrass at pananakot mula sa kampo ng barangay Chairman.

Nagsimula ito ng magsampa siya ng kasong  katiwalian sa Ombudsman laban sa barangay chairman at iba pang opisyal nito.

Aniya, nakatanggap na siya ng mga miss call at text messages mula sa mga tauhan ng barangay chairman.

Napilitan nang lumipat ng bahay ang pamilya ni Abe subalit natunton pa rin ito ng mga tauhan ng barangay.

Noong Setyembre 14, muling nakatanggap ng mensahe si Abe at inaalok na ng tulong pinansiyal, ibabalik sa kanyang trabaho at kung ano pa at kung hindi ay tinakot na siyang sasampahan ng kaso. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us