BARMM bilang top fish producer sa buong bansa, inaasahang papasukin rin ang tuna industry

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaasahang papasukin rin ng Bangsamoro Region sa pamamagitan ng Ministry of Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform (MAFAR) ang industrya ng tuna ayon kay MAFAR Director General on Fisheries sector, Pendatun Patarasa.

Ito ay matapos ang kanilang pagdalo sa ika-23 National Tuna Congress na idinaos sa Lungsod ng General Santos kamakailan lamang upang kumalap ng mas malalim na pag-unawa hinggil sa mga oportunidad at hamon sa industrya ng tuna.

Samanatala, nananatili pa ring pinakamataas na fish producer sa bansa ang rehiyon ng Bangsamoro. Base sa pinakabagong Fisheries Situation Report ng Philippine Statistics Authority nangunguna ang BARMM kung saan nakuha nito ang 31.4% bilang top 1 producer ng isda sa 2nd Quarter nitong taon. Sinundan ito ng Region 9 (Zamboanga Peninsula), Region 3 (Central Luzon), Region 6 (Western Visayas), at Region 4B (MIMAROPA).

Bagama’t kilala ang General Santos bilang tuna capital ng bansa, positibo si Patarasa na makakaambag rin ang rehiyon ng Bangsamoro dahil mayroon ring yellow fin, tulingan o pirit, at eastern little tuna sa pangisdaan ng nasabing rehiyon.  | ulat ni Johaniah Yusoph | RP1 Jolo

Photos: MAFAR – BARMM

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us