Nakarating kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang hiling ng isang batang ‘letter sender’ na humihirit sa Presidente na sana’y masolusyonan ang trapik.
Sa ilang piling liham na binasa ng Pangulo na inihihulog sa Bahay Ugnayan ng mga nagpapadala ng sulat sa kaniya ay isang Francesco Cristiano ang nanawagang tanggalin sana ang trapik sa bansa.
Tugon naman ng Pangulo sa panawagan, kanyang nauunawaan ang damdamin ng batang nagpadala ng liham at lahat naman aniya tayo ay ayaw na ayaw ng trapik.
Ito ang dahilan sabi ng Punong Ehekutibo kaya nagpapatuloy ang mga proyektong imprastraktura ng kanyang administrasyon sa ilalim na rin ng Build, Better, More.
Kasama na rito sabi ng Pangulo ang paglalagay ng tren at ang tuloy-tuloy na pagpapagawa ng lansangan upang masolusyonan ang pahirap at kalbaryo ng marami sa trapik. | ulat ni Alvin Baltazar