Hinihikayat ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga banking institution sa bansa na alisin na ang singil sa mga small transaction ng kanilang customers.
Sa kanyang pagdalo sa launching ng Alliance for Financial Inclusion Global Policy Forum, sinabi ni BSP Governor Eli Remolona, mas mahihikayat ang mga customer na gumamit ng mga banking transaction kung wala nang babayaran sa maliliit na mga bayarin.
Tatlong malalaking bangko na ang hindi nagpapabayad sa mga small transaction kung ang halaga ay hindi lalampas sa ₱1,0000.
Kung madadagdagan pa daw ang bilang ng mga bangko na hindi maniningil sa small transactions ay mas marami ang matutulungan na mga mahihirap.
Inihalimbawa nito ang paggamit ng credit card, kung saan nagbibigay ng reward ang mga bangko sa mga maagang nagbabayad lalo na sa mga small transaction.
Kung gagawin din daw ito ng mga bangko, tiyak mas marami ang mahihikayat na magbayad ng mas maaga. | ulat ni Michael Rogas