Bahagya nang bumababa ang presyo ng bigas sa mga pamilihan na dahil sa pagtaas ng suplay nito.
Kaya naman unti-unti nang nararamdaman ng mga taga-Pasig City ang panahon ng anihan.
Sa Pasig City Mega Market, mula sa dating tig-1 kilo lamang na bilihan ng regular at well-milled rice, wala nang limit ito sa ngayon.
Ayon sa mga rice retailer, nasa ₱300 kada sako na ang ibinaba sa presyo ng bigas kaya’t ibinaba na rin nila sa ₱5 kada kilo ang bentahan nito.
Malaking bagay din ang nakuha nilang ₱15,000 tulong mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa isinagawang payout kahapon.
Samantala, kapansin-pansin din naman ang mas magandang kalidad ng ₱41 per kilo na bigas na binebenta sa ngayon, kaya tinatangkilik na rin ito ng mga namimili. | ulat ni Jaymark