Bentahan ng ₱45 kada kilong bigas sa Nepa Q-Mart, pinipilahan na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Maagang pinilihan ng mga mamimili ang bentahan ng ₱45 na kada kilo ng well-milled na bigas sa Nepa Q-Mart, sa Quezon City.

Epektibo na kasi ngayong araw, September 5 ang Executive Order No. 39 ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr. na nagtatakda ng price ceiling na ₱41 sa kada kilo ng regular-milled rice at ₱45 naman sa well-milled rice.

Ayon kay Renato Abauag, Admin ng Nepa Q-Mart, sila na ang nangunang maglagay ng ilang pwesto sa bungad ng palengke kung saan maaaring makapagbenta ng murang bigas bilang pagtalima sa EO 39.

Limitado lamang sa limang kilo ang maximum na maaaring bilhin dito ng mamimili o hanggang sa ₱225 lang.

Umaasa naman si Abauag na matutulungan sila ng Department of Agriculture para makakuha ng supplier ng murang bigas at maipagpatuloy ang bentahan ng ₱45 kada kilong bigas hanggang sa mga susunod na araw.

Welcome din sa kanya ang hatid na tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) pati ng Kongreso para sa mga retailer na maapektuhan ng pagpapatupad ng price ceiling. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us