Bentahan ng ₱41 at ₱45 na kada kilo ng regular at well-milled na bigas, wala nang limit sa Pasig City Mega Market

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bahagya nang bumababa ang presyo ng bigas sa mga pamilihan na dahil sa pagtaas ng suplay nito.

Kaya naman unti-unti nang nararamdaman ng mga taga-Pasig City ang panahon ng anihan.

Sa Pasig City Mega Market, mula sa dating tig-1 kilo lamang na bilihan ng regular at well-milled rice, wala nang limit ito sa ngayon.

Ayon sa mga rice retailer, nasa ₱300 kada sako na ang ibinaba sa presyo ng bigas kaya’t ibinaba na rin nila sa ₱5 kada kilo ang bentahan nito.

Malaking bagay din ang nakuha nilang ₱15,000 tulong mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa isinagawang payout kahapon.

Samantala, kapansin-pansin din naman ang mas magandang kalidad ng ₱41 per kilo na bigas na binebenta sa ngayon, kaya tinatangkilik na rin ito ng mga namimili.  | ulat ni Jaymark

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us