Bersyon ng Senado ng panukalang ‘Caregivers’ Welfare Act’, kinatigan ng Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinatigan ng Kamara ang Senate Bill 2019 bilang amyenda sa House Bill 227 o panukalang ‘Caregivers’ Welfare Act’.

Nilalayon ng panukala na protektahan ang kapakanan ng mga caregiver sa bansa.

Bahagi nito ang pagtiyak na mayroong kontrata sa pagitan ng caregiver at employer bago magsimula ang pagtatrabaho.

Dapat ay nakasaad sa kontrata ang mga trabaho ng caregiver, oras ng pagtatrabaho, sahod, kaltas, overtime pay, rest day, leave, at iba pang mapagkakasunduan ng dalawang partido.

Naatasan naman ang Department of Labor and Employment (DOLE) katuwang ang National Tripartite Industrial Peace Council para sa pagbuo ng model employment contract na makikita sa website ng mga ito at maaaring kunin ng walang bayad.

Kabilang naman sa maaaring hingin na requirement ng employer para sa papasok na caregiver ang national certification ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), caregivers training certificate mula sa TESDA, medical certificate o health certificate, National Bureau of Investigation (NBI) clearance, at barangay clearance. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us