Pinamunuan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) IX katuwang ang Provincial Fishery Office ng Zamboanga del Sur ang tatlong araw na pagsasanay para sa mga trainer ng Tilapia Grow-out Culture at Hatchery Operations and Management sa lungsod ng Pagadian.
Nasa 20 technicians mula sa mga munisipalidad sa naturang probinsya ang nakilahok sa aktibidad.
Kabilang sa mga natutunan ng mga nakilahok ang patungkol sa tilapia cultivation para pagtibayin ang aquaculture productivity sa rehiyon.
Bilang bahagi ng aktibidad ay binisita rin ng technicians ang hydroponics facility sa City Agriculture Demo Farm sa naturang lungsod.
Layon ng pagsasanay na hubugin ang mga eksperto sa tilapia farming para tugunan ang mga teknikal na pangangailangan ng mga mangingisda sa kani-kanilang lugar. | ulat ni Justin Bulanon | RP1 Zamboanga