Suportado ng Philippine Councilors League (PCL)- Olongapo City chapter ang anti-illegal drugs advocacy campaign program ng pamahalaan na Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan o BIDA program.
Malugod namang tinanggap ni DILG Secretary Benhur Abalos Jr ang suporta ng PCL.
Binigyang-diin ng kalihim ang mahalagang papel ng bawat sektor ng lipunan sa whole-of-nation approach
upang wakasan ang banta ng droga.
Kabilang sa lumagda sa BIDA Covenant si Olongapo City Mayor Atty. Rolen Paulino Jr., PCL Olongapo Chapter President at National Secretary General Gina Gulanes Perez, Olongapo City officials, mga barangay captains, at PCL members sa Region 3.
Hinimok din ni Abalos ang mga LGU at ang mga konsehal na makipagdigma hindi lamang sa droga kundi maging sa mahinang nutrisyon at pagkabansot ng mga bata.
Batay sa istatistika, isa (1) sa tatlong (3) batang Pilipino ang bansot. | ulat ni Rey Ferrer