Bilang ng enrollees para sa School Year 2023-2024, umabot na sa 26.7 million – DepEd

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pumalo na 26.7 milyon ang bilang ng mga mag-aaral na nag-enroll para sa School Year 2023-2024.

Ito ay batay sa pinakahuling datos ng Learner Information System Quick Count ng Department of Education (DepEd) hanggang kaninang alas-9 ng umaga.

Pinakamalaking bilang ng mga nag-enroll na estudyante ay mula sa Region IV-A na umabot na sa 3.9 milyon, pangalawa ang Region 3 na may 2.9 milyon, at pangatlo ang National Capital Region na may 2.7 milyon.

Habang may naitala naman na mahigit 300,000 nag-enroll sa Alternative Learning System, at may mahigit 18,000 ang nakapag-enroll sa Philippine Schools Overseas.

Kumpiyansa naman ang DepEd na maaabot ang target na 28.8 milyon na bilang ng mga enrollee ngayong school year. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us